May Isang Guro

Noong unang panahon ay may isang guro. Kahit baguhan pa lamang ito sa larangan ng pagtuturo, kilala ito bilang isa sa pinakamahigpit ngunit pinakamalapit din sa mga estudyante ng kaniyang departamentong pinagsisilbihan. Baguhan man, sa tulong ng kanyang mga kasamahan, madali nitong natutunan ang kalakaran sa akademya. 

Dumating ang pagtatapos ng semestre at nagbigay ng grado ang guro sa kanyang mga estudyante base sa kung ano ang kanilang naipasa at hindi naipasang mga rekisito ng kursong kanilang pinag-aaralan.

Lumipas ang ilang linggo nang biglang may mga estudyante na nagreklamo patungkol sa gradong kanilang natamo mula sa gurong ito.

Bakit po kami bagsak sa kurso namin sa inyo,  Sir?” tanong ni Carlo.

Oo nga po, Sir. Bakit po kami ni Carlo na pumapasok sa klase niyo ay bumagsak. Tapos si Marlon na hindi na po nagpakita sa klase ninyo ay pumasa at nakagraduate pa. Hindi naman po patas iyon,” sabat naman ni Jake sa kanilang usapan.

Sa kanyang mga narinig, nagulat at naalarma ang nasabing guro. Alam niya na graduating student si Marlon at dahil hindi ito pumapasok sa kanilang klase ay napilitan siyang ibagsak ito. At upang malaman kung may basehan ang reklamo nina Carlo at Jake laban sa kanya, tiningnan niya ang kanyang class record upang malaman kung mali ang naibigay niyang mga grado sa mga estudyanteng ito.

Nang makita niya ang mga grado ng tatlong estudyanteng ito, nalaman niya na lahat sila ay binigyan niya ng bagsak na grado. At tiningnan niya ang mga dokumentong sumusuporta sa gradong ibinigay niya at ganun din ang nilalaman. Bagsak ang grado nina Carlo, Jake, at Marlon sa kanyang itinuturong kurso.

Dumating ang mga araw at nakumpirma ng gurong ito na nakatapos nga ng kolehiyo si Marlon kahit bagsak ang gradong natamo nito sa kanyang kurso. At sa paglipas pa ng mga araw, siya pa rin ang sinisisi nina Carlo at Jake sa pagbagsak nila at sa pagpasa ni Marlon kahit hindi naman niya alam ang mga bakit at paano sa pagpasa nito.

At magpahanggang sa ngayon, palaisipan pa rin para sa gurong ito ang nangyari sa grado nina Carlo, Jake, at Marlon. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s