A Missive For A Friend

Hindi ko alam kung tanda mo pa. Kapag wala akong pakialam sa isang tao, kahit anong nangyari sa amin kinakalimutan ko agad. Noong una, inaamin ko naman na hindi ko na tanda lahat pero nung nawala ka na, noon ko naramdaman na parang may kulang, bigla kong naalala lahat.

Takot ka bang humarap sa maraming tao? Mahiyain ka ba? Kasi nung una tayong magkakilala ay nung pinagpakilala kita sa mga classmates mo na ayaw na ayaw mong gawin. First day or week of class noon, introduce yourself ang agenda ko sa class natin. Medyo nagalit ka pa ata nun kasi pinilit kita. Unfair nga naman kasi kung yung mga classmates mo ay nagpakilala tapos ikaw ay hindi. Isa ka sa mga huling nagpakilala noon at sa totoo lang, hindi naman kita napansin noong mga panahong iyon. Ang alam ko lang makulit ka. Napakakulit mong estudyante. Aaminin ko na medyo naasar ako sa’yo noon kasi ayaw ko sa taong makulit. Matanong kang tao. Kinekwestiyon mo pa nga kung tama yung mga pinapagawa ko sa inyo kasi kapag ikaw na ang gumagawa, hindi mo na magawa.

After a month, dumating yung acquaintance party. Hindi pa rin tayo nagkakakilala in a personal level noon. Hindi tayo close kaya nagulat ako na ikaw pa talaga yung nag-akit na magpicture sa akin. Family picture nung section nyo ang sabi mo. At nagpapicture tayo kasama yung mga classmates mong mas ka-close ko. At natapos ang gabing iyon na hindi tayo nakapag-usap pa.

August 12 noon, cyberlympics. Nagulat ako kasi hindi naman tayo close. Nag-dare ka pa sa akin na kung mananalo ka sa badminton, ililibre kita ng burger. Since ayaw kong makulitan pa, pumayag ako. Nung nagstart na yung game, first game mo ay talo ka. Sa totoo lang, natuwa ako noon kasi sabi mo magaling ka. Akala ko nagjojoke ka lang kaya natalo ka agad. Sabi ko sa’yo na bumawi ka dahil sayang yung burger as a joke pa rin. Kaya nagulat na lang ako nung sinabi nila na kasali ka sa lalaban para magrepresent ng department para sa intramurals. At napasubo na nga ako sa panlilibre kahit ayaw ko talaga.

Inintay mo ako noon hanggang matapos yung cyberlympics kasi hindi ka papayag na hindi kita maililibre ng burger. Nung pumunta kaming Perez park para i-check yung mga cheerdancers, sumama ka. Niyugyogan noon kaya maraming dekorasyon at kasayahan sa park. Naghintay ka talaga para lang sa burger. Nung tatakas na ako, pasimple, hinanap mo ako sa mga taong nag-uuli at hindi ka talagang pumayag na walang burger. Kaya pumayag na din ako kasi sayang naman yung effort mo at effort ko at nandoon na din naman tayo. Nauwi ang lahat sa buy 1 take 1 na footlong at sa pagkakataong iyon, nakilala kita kahit konti lang. Nalaman ko kung saan ka nakatira, kung anong trabaho ng nanay mo, kung nasaan ang tatay mo, etc. Naging mas malinaw sa akin kung bakit ganun ka at kung bakit madalas kang umabsent sa klase.

Dumating ang Intrams noong August 28. As usual busy ako sa pag-aasikaso ng mga players at dancers. Ang naalala ko lang noon ay napakatakaw mo. 5 food packs yung nakain mo noong araw na iyon. At ang kulit mo sa paghingi ng Powerade. Ilang bote ang binili ko para sa iyo noon para sa laban mo sa Badminton. Niloloko nga nila tayong dalawa kasi parang iba yung trato ko sa iyo. Well, close na tayo noon at estudyante kita sa isang klase kaya iba talaga ng trato ko sa iyo. Natapos yung araw na iyon na malungkot ako. Bigla ka kasing nawala. Ang naalala ko na lang ay yung sinabi mo na “Babalik ako.” Pangako mo yan sabi mo.

Sinulat ko lang ito dahil sa mga estudyanteng dumaan sa akin, ikaw yung taong gusto kong makilala pa. Nakita ko kasi ang sarili ko sa’yo. Excited akong pumasok noon after intrams at PSITE conference kasi gusto kitang makita. Pero wala ka. Nalaman ko na lang sa message mo sa akin sa facebook na titigil ka na. Nalungkot ako noon kasi ang laki ng potential mo. Matalino ka at sayang yun. Pero nung sinabi mo na papasok ka ulit, nagkaroon ako ng pag-asa para sa’yo. Hinintay kita nung araw na yun na sinabi mong papasok ka. Excited ako pero sinabi ko sa sarili ko na huwag akong umasa kasi baka ma-disappoint lang ako. 5, 10, 15 minutes. Wala ka. 30 minutes, wala din. Nalungkot ako pero tinuloy ko yung lectures for that day. Then, may kumatok sa pintuan. Hindi ko na inasahan na ikaw yun since 1 hour na and baka isa lang yung sa mga estudyanteng nagbanyo. Nagulat ako, kasi ikaw.

Ang nasabi ko na lang, “Himala, nabuhay ka.” Hindi ko maitago ang saya ko pero ayaw kong mapansin nila yun kaya hindi kita pinansin noon. Ang saya ko. Alam kong may gusto kang sabihin pero iniwasan kita. After nun, na-guilty ako kasi hindi ka na pumasok ulit.

Isa lang naman ang gusto kong iparating sa’yo. I miss teaching you.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s