Tula Para Sa Mga Umasa

I follow a lot of Facebook pages. May it be celebrity/musician (Swiftie here!), media/news/publishing (Buzzfeed and 9gag), confession (FEU Secret Files, Diliman Files, Arneyow, etc.), etc. My timeline is used to sensationalized news items, gossips people accept as facts, satires people perceive as truths, rants full of hypocrisy, confessions of broken – hearted people, and many more.

Sometimes when sleep won’t visit me, I read from confessions pages. I always love to read about happy ending stories as I consider myself a romantic. Nakakakilig kasi kapag masaya ang mga pangunahing tauhan ng isang istorya ng dahil sa pag – ibig nila para sa isa’t – isa. Nakakahawa lang. You hope that you will also experience the kind of love they did experience.

Minsan naman, nakakatiyempo ka ng mga malulungkot na istorya. Syempre, mapapaisip ka rin. Maaawa ka sa kanila kung bakit ganun ang pinagdadaanan nila. You will feel good about yourself ika nga.

And then, I found this heartbreaking poem. Nakarelate ako.

TULA PARA KAY MAHAL
(Spoken Words)

Sa isang simpleng post, dun lahat nagsimula
Na-“curious” ako, number mo’y agad kong kinuha
Baka meron kasing iba pang mauna,
Kaya laking tuwa ko nung ika’y magreply na.
Nagkatext tayo at nagkatanungan ng info
Gusto magkakilala, curious ka kung sino ako
Hanggang makauwi ako ng bahay, ako’y inantay mo
Upang makatawag ka at marinig ang boses ko
School ang naging una nating topic
Napunta kay duterte at maging sa traffic
Iba ka sa mga nakakachat ko
Hindi puro libog, may sense ka, kaya mas naging interesado
Friends na tayo, yan ang unang pangako
Pero nang tumagal, may feelings na nabuo
Wholesome things ang ating pinag-uusapan,
Bibihira lamang ang mga kabastusan,
Hindi libog ang aking naramdaman
Kundi mga butterfly, sa loob ng aking tiyan
Friends with benefits ang nakapagkasunduan,
May gf ka pa kasi at wala pang hiwalayan
Sunday ang usapang pagkikita
Sa bawat minutong lumilipas, lalong nais makasama
Feelings natin lalo pang tumindi
Ikaw ang nais makausap, araw man o gabi.
Nag-aasaran, nagkukulitan, nahulog ang loob sa mga simpleng banat
Hiniling ko na lamang na sana’y sa sinasabi mo ikaw ay tapat
Kausap kita hanggang madaling araw
Maging oras mo sa break ay aking ninanakaw
Nabaliw ako sa nararamdaman ko
Lintik na pag-ibig, tinamaan ako
Pag di ka nagrereply, nagdududa ako
Pero nawala ng binigay mo ang password mo
Pagtitiwala mo ay napatunayan ko
Kaya mas lalo akong nahulog sa’yo
Friday– araw ng iyong sweldo
Umabsent ka sa trabaho para samahan ako
Sobra kong natuwa sa effort mo
Sa wakas, hindi na yata lokohan ito
First holding hands at first kiss
Oh Pag-ibig, sadyang kay tamis
Pero tila nagbago ka ng tayo’y makauwi
Malamig at tila wala nang paglalambing
Ang dating kay tamis ngayo’y pumait
Ang dating masarap ngayo’y masakit
Nasan na ang pag-ibig mo?
Oh ilusyon ko lang na ako’y mahal mo
You’re the every inch of man I long to have,
Above your imperfections, edges and curves
“I’ll do everything to win you”
Yan ang pangakong pinanghahawakan ko.
Akala ko liligawan mo ko, Akala ko ipaglalaban mo ko
Pero tulad ka rin nila, bibitawan din pala ako
“TAMA NA”—Pinakamasakit na salita mula sa’yo
Hayyy, ang sakit talaga, dinudurog ang puso ko.
Sorry kung di ko kayang ipagsigawan na mahal kita,
pero asahan mo ika’y mahal kong talaga.
Balikan mo naman, ang ating pinagdaanan
Sakaling bumalik ang iyong nararamdaman
Muling pakinggan ang mga awitin sa isa’t isa
Sakaling bumalik ang kilig na nadarama
Pero kung talagang sawa ka na,
O kaya’y pagod ka na, hayaan mo na lamang na mahalin kita
Hanggang sa mapagod at iwan ako ng feelings na ito
Hanggang sa magsawa na mag-effort sa taong di kayang suklian ang pag-ibig ko
Takbo, Takbo, yan ang palayaw mo
Kaya siguro tinakbuhan mo din ako
All “I love You” is gone, not even a simple HI
But always bear in your mind that to you, I never lie

Sana maging magkaibigan pa rin tayo
Tsaka abutin mo ang mga pangarap mo,
Asahan mo, narito lang ako sa likod mo
Nakasuporta at nag-checheer sayo
Tutulangan kitang makapasok ng UP,
Yan kasi ang pangakong aking nasabi
Di man ako kasama sa future mo,
Okay na saking maging Friend mo
Sadyang ang mga bagay na madalian
Ay nawawala ng biglaan

Pero asahan mo. Mahal pa rin kita.
Kahit, sa loob ko ang sakit-sakit na.
Di ko lang alam kung bakit kahit matalino ako,
Sa pag-ibig naman ay ang bobo at ang tanga-tanga ko.

(BTW I’m a bro)

– Takbo Is My Nickname, 2013, Arki
Original Post

Ang tula para sa mga pinaasa at umasa. Masakit. Sobrang sakit.

Bilang nakaranas na rin na paasahin, it summarizes the efforts you made, the hopes you built, the feelings you felt, the hurt it caused you, and the memories you can’t escape from. Yung nasanay ka na andiyan siya for you kahit sa text lang or FB lang then all of a sudden, wala na. Yung hindi mo alam kung bakit nawala. Yung hindi kayo pero umasa ka kasi sabi niya gusto ka rin niya.

Pero ang mas masakit eh yung sa mapanghusgang mata ng lipunan, hindi pwedeng maging kayo kasi hindi tama. Lalaki yung sender at lalaki din yung gusto niyang makabasa ng tula niya. Sa Pilipinas na mali ang pagiging parte ng LGBT Community, immoral ang magmahal ng kauri mo.

Sabi nila, sa pag-ibig, walang mahirap o mayaman, walang pangit o may hitsura, walang bata o matanda, at walang bobo o matalino. Kapag mahal mo ang isang tao, tanggap mo kung ano man siya kahit pa ang mga kahinaan niya. Sa Pilipinas, tanggap ng lipunan natin ang kahit anong uri ng pagmamahal maliban na lamang sa pagmamahal mo sa kauri mo kahit pa wala naman kayong tinatapakang tao.

May mga istoryang kapupulutan ng aral. May mga confessions na magpapatawa sa iyo. May mga istoryang pag – iisipin ka kung alin ang tama o mali. May mga kaaasaran kang kwento dahil sa pangunahing tauhan nito. At may mga istoryang kahit hindi eksakto ang pinagdaanan ng nagkwento sa naranasan mo, makakarelate at makakarelate ka din kahit kaunti.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s