Sir Ronel No More

They say teaching is one of the noblest professions there is. Oo naman, I concur. Teachers are the ones who inspire students to pursue what they want to be. Parents or professional teachers man yan, they are usually in the front lines of inspiring generations of people.

I look up to teachers. Based from observation and experience, they are one of the hardworking people in the world. Nagsisimula ng madaling araw ang trabaho nila at natatapos din ng madaling araw. Hindi lang sa loob ng eskwelahan ang mga trabaho nila, minsan dinadala pa sa mismong mga bahay nila. At hindi fixed ang oras ng trabaho. Minsan pati weekends eh may mga tinatapos pang documents for submission. Ganun kahirap maging teacher. Hindi mo kontrolado ang oras at pati minsan ang workload mo na din.

Since I was young, I always wanted to be a teacher. Dream naming yun ng pinsan ko. Gusto naming maging teacher kasi astig maging teacher. Pero in a twist of fate, hindi ako nag – aral ng Education nung nagcollege na ako. So medyo malungkot kasi hindi ko natupad yung dream ko na yun. Kaya nga nung nagkaroon ako ng chance to teach IT sa Alma Mater ko, I took it.

Alam kong mahirap ang trabaho at maraming dapat gawin. Hindi lang naman kasi puro lectures ang gagawin mo. Marami ring documents na kailangang tapusin. Maliban dun, may mga seminars, trainings, at conferences na kailangang attendan. Dapat ding iupdate ang credentials so kailangan mong magMaster’s or magpaCertify. Dagdag pa doon yung mga student activities na kailangang isupervise mo kung adviser ka ng Student Council. Idagdag mo din yung Community Extension Service ng Department mo na kailangan mong attendan din kasi required. Looking at it now, hindi ko alam kung paano ako nakasurvive sa dami ng trabaho ng isang teacher.

Siyempre, hindi lang naman puro dami ng trabaho yun eh. Kahit marami, minsan masaya naman. Kapag may mga conferences sa malalayong lugar, kasama ka at marami kang makikilala at maeexperience na bago. Dagdag na din yung knowledge and skills na makukuha mo sa pag-attend ng lectures, conferences, at seminars. You grow as a person. Hindi ka nagiging stagnant.

Siyempre, may sense of fulfillment din kapag na-achieve mo yung mga goals mo as a teacher. Kapag naging successful yung event na you helped organizing. Kapag pinaparamdam sa’yo ng mga students mo na you are of value. Yung simpleng Thank You nila eh nakakapagpagaan ng loob mo kapag malungkot ka or nakakapawi ng pagod mo kapag feeling mo eh hindi mo na kaya. Yung simpleng Hi at Hello ng mga past students mo na naaalala ka pa. Ang sarap sa pakiramdam. Parang you made a difference in a world kahit maliit lang. You are remembered.

Tapos every batch ng mga students na nahandle mo, may makakaclose ka. Magiging barkada kasi halos magkalapit lang naman ang edad niyo. Yung kapag may special moments sa buhay nila eh gusto nilang kasama ka. You made an impact. Parang importante ka sa buhay nila. You feel valuable.

Hindi naman lahat ng stories eh may happy ending. Recently, I decided to quit my job as a teacher. Siguro I felt na hindi na ako ganun kaproductive to continue. Ayaw ko namang magpatuloy kung hindi ko na kaya. Lagi na rin kasi akong nagkakasakit at ayaw kong hindi maibigay yung 100% ko kapag magtuturo ako ulit. Hindi na rin ako masaya sa nangyayari sa personal life ko at ayaw ko namang madala pa yun sa pagtuturo.

Napagod na din siguro ako. Masaya naman ako sa mga kasama kong mga guro. Isa sa pinakamasasayang mga tao ang mga kasama ko sa CCS Department. Makukulit, may mga topak minsan, mababait, matulungin, at warm sa ibang tao. Hindi ako napagod sa kanila. Siguro napagod ako sa mga estudyante namin.

Naniniwala ako na hindi lahat ng nakakapagcollege eh pangcollege level talaga. Minsan may maeencounter ka na pang-elementary level ang competence. Siyempre kapag ganun, mahirap icorrect yun. Lalo pa kung hindi marunong magsulat kahit simple sentences lang. Mahirap din na kapag nasa IT ka tapos walang logic ang mga students mo. IT ka so dapat  maganda ang foundation mo when it comes to logic.

Kapag bagsak ang mga student mo, sa’yo ang sisi. Kahit binigay mo lahat and you exhausted all efforts and options para makapasa sila: removals, extra credit, etc. Ikaw palagi ang lalabas na mali. Ikaw ang hindi nagtuturo, hindi fair magbigay ng grade, at hindi ka effective. May mga students pa na magsasabi na nagbayad sila ng mahal na tuition para hindi bumagsak. That’s not how it works.

Minsan kapag naglelecture ka, may mga students na hindi nakikinig. May mga naglalaro pa nga sa smartphones nila or laptops. Kapag hinihingi mo ang participation nila through recitation, hindi sila makasagot. Minsan kapag may assignments, copied and pasted na nga lang galing sa Internet, tapos ipapaphotocopy pa ng iba nilang classmates. Minsan kahit inexplain mo na bawal ang cheating, gagawa at gagawa pa rin sila ng paraan. That’s how students work nowadays. Matapang sila at disrespectful. Napagod ako dahil sa kanila.

Teaching is a noble profession. I quit because I don’t want to be a disservice to that profession I look up to. Teachers are also humans. Minsan nawawalan din sila ng pasensya sa mga students nila. Kahit anong effort na ibigay nila, dapat sinusuklian yun ng mga students para hindi mabaliwala. Masakit sa isang guro kung alam nilang binabaliwala yung mga knowledge at skills na iniimpart nila sa mga students nila. Alam ko yung feeling na yun kasi ako mismo naranasan ko yun.

I am not a teacher anymore by profession but I know I can still be one in other ways possible. In the future I will go back to my first love but for now, I will just watch from the sidelines. Maybe in the future I will be a better teacher than I was before. But now, I just want to experience other things. Babalik din naman ako kapag alam kong handa na ulit ako. Kapag alam kong kaya ko na ulit ang hamon ng pagiging isang huwarang guro, I shall return.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s