Thank You Madlang Pipol

Last April 26, 2016, I told my boss that I’m not going to teach anymore. I told him I’m thankful for everything. I grew under his wing and I don’t know if I can repay him for that. Hindi lang naman siya pero lahat ng mga nakasama ko in my almost 4 years of teaching. So to all of you who helped me to become who I am today, this is my missive.

Dear Madlang Pipol,

Hi! I hope you do remember me. I am Ronel who you used to call Sir Ronel. I am writing to you to thank you for the almost 4 years of being together.

First and foremost, I want to thank all my co – teachers sa CCS Department. Thank you Mami Sue for the guidance. Thank you for being on my side during the time na inaway kami ng mga cheerdancers ng department natin. Thank you for always being there when I need help. You’re a great Master Mentor. Kay Ma’am Donna, thank you din kasi you helped me a lot too. You were always ready to greet me kapag nagkikita tayo kahit sa labas ng school. You made me feel welcome. Kay Mam Budoy, thank you for being a nice companion sa department. Ikaw yung pinakamatanda at ako yung pinakabata. You were my nanay sa department natin. I’ll miss your knack of going to my cubicle every time you needed help sa department computer workstation. To Sir Arby, thank you for believing in me. Thank you for the trust and for the friendship. Mamimiss ko yung pagbabantay sa Academic Team kapag may review. Sana sa mga susunod na taon, manalo na ulit tayo sa Online Academic Quiz Bee. Ma’am Cantos, Ma’am Rose, Ma’am Jen, Ma’am Leah, Sir Dave, Sir Joe, Ma’am She, thank you! May mga memories ako na hindi ko malilimutan because of you all. Sir Ogie, thank you for the opportunity. I will always be thankful na you saw something in me and trusted me.

Second, sa mga Student Assistants na tumulong sa akin sa pagpapaphotocopy ng mga documents, magbukas ng pinto ng classrooms, bumili ng pagkain kapag wala akong time, at pagbabantay ng classroom kapag may pupuntahan ako, thank you so much! You made my work easier.

Third, sa mga naging officers ng Cyber Council, thank you! Nhadz, Mike, Jorge, mga Chairman ko for the past 3 years, thank you! Alam kong medyo demanding akong Adviser pero it was worth it naman in the end. Maayos yung mga activities natin and naappreciate naman yun ng mga student ng department natin. Sa iba pang naging Cyber Council Officers such as Lenny, Carmela, Joseph, Paolo, Kim, Tinyee, Arjay, at sa mga hindi ko na nabanggit, salamat for the memories. Mamimiss ko yung pagtambay ko sa office natin at mga lunch outs natin na minsan ay libre ko. May ipinost akong message sa board natin sa DSC office last April bago ako umalis, sana nakita niyo yun.

Fourth, to my Triangle Family, salamat sa lahat. Agnes, Kit, Emerson, Dadi Paps, Jepoy, Loraine, Teppi, Abords, Anna, Sacriz, Yoshi, Alex, at Gayets. Thank you sa mga outings at swimmings natin. Thank you for reminding me that you’re there when I need you. You were the first batch of students na naturuan ko and I am happy that until now, close pa rin tayo. Ngayon, fourth year students na kayo and I’m so happy. Hindi ko na kayo sasamahan sa paggraduate niyo. Kaya niyo na yan. I believe in you.

Fifth, to my Minions Family, thanks! Nhadz, Tinyee, Arjay, Jenny, and RJ, my mature friends, salamat sa mga green jokes at pangrereto niyo sa akin kung kani-kanino. Kahit wala namang sparks, gagawan niyo pa rin ng loko. Thank you for always wanting to be with me. Hindi ko alam kung bakit tayo naging close pero I’m so happy pa rin. We will always be a part of each other’s lives kasi Ninong at Ninang tayo ng anak ni Jenny.

Sixth, to my student friends, marami kayo kaya hindi ko na kayo iisa – isahin. Sa mga nasasabihan ko ng mga walang kwentang jokes at advices, thanks for listening. I’ll still help you every time you need one pero hindi na lagi kasi aayusin ko na ang buhay ko. I’ll just help whenever I can. Salamat for making me a part of your special moments. Hindi ko alam kung bakit ba sa tingin niyo eh mabait ako. Hindi naman ako approachable pero para sa inyo, oo.

Finally, to my Acad Family, salamat sa mga sleepless nights dahil sa review. Jessa, Philip, Jomar, Cindy, Mumay, Karl, Dhada, Lavy, Renzi, Mark, Georgina, at sa mga bagong members, thank you sa mga outing na wrapped as team building activities para payagan lang kayo. You always made me look forward to Februaries para sa laban ng team natin. Hayaan niyo, babalik din tayo sa Top 4.

This missive is for everyone who helped me in my almost 4 years of teaching. May mga downs man pero mas marami pa rin ang ups natin together. Thank you for everything. Hinding hindi ko malilimutan lahat ng ginawa niyo para sa akin. I will always be grateful for what I have now at dahil yun sa inyo.

Sabi nga ni Taylor Swift: I was enchanted to meet you.

Love,

Ronel
Formerly known as Sir Ronel

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s