Andito Pa Rin Ako Sa Ere

Naaalala ko pa noong una tayong magkakilala. Umuulan noong araw na yun. At dahil hindi ako makaalis para makagala, naisipan kong magdownload ng dating and hook up application sa phone ko. Try lang.

Hindi ko naman aakalain na ikaw ang makikilala ko. Ikaw ang unang nagmessage. Isang smiley. Nagreply naman ako ng “Hello.” At yun na nga ang simula ng kwento natin.

Dahil umuulan at malamig ang hapon nating dalawa, gusto mong magpainit. Gusto mo akong makita ng personal. Ako naman, tumanggi kasi alam ko ang habol mo. Hindi naman kasi ako ganung klaseng tao. Nag – uusap pa lang tayo tungkol sa mga buhay natin and then meet – up agad. I’m not going to fall for that trap.

Ilang araw tayong nag – usap mula noon. Nagheart to heart talk. Nakilala kita at nakilala mo din ako. Naging close tayo kahit virtually lang.

Fast forward to the day when we first met, we were so happy. Nakita na rin natin ang mga mukha sa likod ng pangalan. Fast forward to the time when we went our separate ways after the meet – up. Magkatext tayo. Umuulan din noong gabing yun. Yung gabing alam kong hindi na ako magiging tulad ng dati dahil sa’yo. Umuwi ako noon na basang – basa sa ulan hawak ang pangako mo na hindi mo ako lolokohin. At naniwala naman ako sa’yo. I fell for you and your trap.

Fast forward to the days na mabigat ang pakiramdam ko at nagbabike ako sa bayan para gumaan ang loob ko, may mga araw na umuulan din. Kahit madulas ang kalye o maputik ang daan, sinusuong ko para lamang maramdaman ko na magiging okay ulit ako. Ilang beses mo ring pinaulan ang mga mata ko noon.

Naaalala ko pa nung gabing nagdecide ako na magpaalam sa’yo. Umuulan din noon. Umuulan sa labas ng bahay namin at umuulan din sa loob sa pamamagitan ng mga luha ko. Hindi ko rin kasi alam kung kaya kong magpaalam. Pero ginawa ko yun. Masakit lang na umasa ako pero niloko mo lang ako.

I love the rain ever since I was young. I find solace in the coldness and darkness it brings. I find solace in the melody the rain drops forms with the roof top. It gives me peace of mind and soul. Pero ngayon, pati ulan mayroong bad memories na rin dahil sa’yo. Ngayon, every time na uulan, naaalala kita. Nalulungkot ako dahil sa’yo.

Andito pa rin ako sa ere kung saan mo ako iniwan. Andito pa rin ako dahil hindi ako makawala sa mga alaalang iniwan mo sa akin. Andito pa rin ako kung saan ang mga taong umaasa ay iniwan ng mga taong paasa. Mga taong nagtiwala na titigil ang mga taong panandalian lamang pala ang ganap sa buhay nila. At nandito pa rin ako sa ere kung saan nabubuo ang mga ulan na nagpapaalala sa akin kung gaano ako katanga upang magtiwala sa isang taong kakakilala ko pa lamang.

Iniwan mo ako sa ere at hanggang ngayon, hindi ko alam kung paano bumaba mag – isa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s