Student – Teacher Relationship, Part 1

Ang mga teacher, hinahangaan yan. Tinitingala pa nga sa lipunan. Mahirap na trabaho ang magturo lalo na kung mga pasaway ang mga batang tinuturuan mo. May code of conduct din ang mga guro na kailangang sundin para manatili sa serbisyo. Napakarami ding bawal na gawain at ang pinakabawal sa lahat ay ang pagkakaroon ng relasyon sa kanilang estudyante.

Bawal ang student – teacher relationships. Sa mata ng lipunan, masama yun lalo na kung medyo malayo ang edad ng guro at estudyante sa isa’t – isa. At noong guro pa ako, siyempre, hindi ko din naiwasan ang magkagusto sa mga nagiging estudyante ko.

Oo, muntikan na akong magkaroon ng relasyon sa isang estudyante ko before. Take note, muntikan. Hindi kasi nagbunga dahil naudlot. I had to sever the ties bago pa kami mapahamak na dalawa. Itong post na ito ay tungkol sa the one that got away. Ito ang kwento ng babaeng nagpatibok ng puso ko kahit bawal.

Second semester noon, 2014. March to be exact. Yan ang simula ng kwento namin ni J.

Noong nagkakilala kami noong summer of 2013, alam kong magiging parte siya ng buhay ko. Nagkakilala kami dahil sa summer outing ng aming department. Birthday ko pa nga noong araw na yun. Nagkaroon lang kami ng small talk. Fast forward to the first semester of 2013 – 2014, medyo close na kami. Nakakausap ko na siya tungkol sa mga personal na bagay. Nagpapalitan ng jokes. Kumakain ng magkasama minsan. Student Assistant kasi siya.

Noong first semester pa lang, alam ko na na maganda siya. Morena at medyo may katangkaran. Mabait din siya at malambing din. Kaya siguro medyo nagugustuhan ko na siya noon. Natapos ang first semester, okay kami sa isa’t – isa and we’re friends na.

Second semester, naging student ko siya. Programming course yun. Siyempre kahit medyo close kami, walang special favors especially sa grades. Ayoko naman ng issue with my students. Ayokong mapagbintangan ng special treatment. Sumali din siya noon bilang Ms. CCS. Unfortunately, hindi siya nanalo.

Nagsimula ang kwento namin noong bago matapos ang second semester. March 2014. I know I have feelings for her na that time. I like her na kasi maganda siya, mabait, at masipag. Matalino din naman siya. So I asked her if pwede ko siyang ligawan. I asked her during one of those nights na inihahatid ko siya malapit sa bahay nila. Akala pa nga niya ay joke lang yun. The first time I asked her, hindi siya sumagot. She just laughed.

The very next day, I told her to meet me at the mall after her class. I waited for her to ask her again kung pwedeng manligaw. I waited for her patiently. She came. So I talked to her sincerely to ask her out. This time may sagot na siya. She told me na hindi pa siya ready to be in a relationship. Priority niya kasi ang pag – aaral niya. I understood her naman. First year student pa lang naman kasi siya that time. She then told me na if I am serious, after college pa niya ako masasagot. Lumigaya ako sa sagot niya. She told me na papayag siyang magpaligaw. Pero kailangan kong maghintay. I was so happy kasi alam kong gusto ko siya and I’m willing to wait.

During the remaining days of the second semester, we tried to keep it a secret. May mga nakakaalam pero yung mga close friends lang namin. We ate lunch together. Inihahatid ko siya sa bahay nila pag – uwian na. I gave her gifts. Seryoso ako sa kanya eh.

To be continued…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s