Student – Teacher Relationship, Part 2

Summer came. Siyempre, namimiss namin ang isa’t – isa kasi wala naman akong turo kapag summer kahit may duties siya as student assistant. Kaya bumibisita ako sa department namin kapag may time ako. Nagtetext at nangungumusta din. Minsan naman tumatawag siya. What I felt was real. It was real to me.

And on that summer, we went on an Alay Lakad together. That was the memory na hinding – hindi ko malilimutan. We walked for about 30 kilometers together. Kapag may mga pataas na daan o pababa, siyempre, inaalalayan ko siya. Or kapag pagod na kami, we would sit together. May time pa nga na nakaakbay n siya sa akin kasi pagod na pagod na siya sa paglalakad on her own.

My birthday came that summer also. Taon – taon naman yun pero that time special yung celebration. May plano kami together with our friends para hindi halata. I bought foods para sa food trip namin pero biglang nagkaproblema. Nawalan kami ng place kaya naghanap kami ng bagong matatambayan. In the end, my advance birthday celebration was a bust at sinisi ko siya dun. Siya kasi yung nagplano nung araw na yun. I let her plan for my celebration. I felt bad for doing that. Yung sisihin siya. Hindi naman kasi niya kasalanan.

Then first semester of 2014 – 2015 came. Alam kong may idea na yung ibang faculty members pero we managed to be discreet pa rin. We still had lunch together. Hatid siya pag – uwi kapag may time ako. Yun pala eh sa first months lang. Dumating yung time na alam na ng mga faculty members ang tungkol sa amin. Yung time na pinag – uusapan na nila openly kung anong meron sa amin. Yung kasama na siya sa jokes.

I thought pagsasabihan nila ako na tumigil but they didn’t. Alam nilang bawal pero ang advice lang nila ay to be discreet at all times. Wala naman daw silang magagawa kung gusto namin ang isa’t – isa. Huwag din daw ipagsabi kung kani – kanino ang tungkol sa amin. Baka kasi kumalat at makarating sa kinauukulan. Hindi pa naman daw kami kaya okay lang. Hindi ko din naman na siya student sa mga classes ko. Okay lang para sa kanila. At alam ko na alam din yun ni Dean. But he said nothing about it.

Siyempre since open na siya sa faculty members at kay Dean, napressure ako. Every time na malungkot siya, ako agad yung tinatanong. Ako yung laging inilalagay sa hot seat kapag may problema siya. Yung kapag may problems siya, jinojoke nila na ako yung may kasalanan. Siyempre ang gusto ko ay gawing private pa rin yung amin kahit alam na nila. Ang akala ko yun na yung huli kong poproblemahin.

To be continued…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s