Pamamaalam

Hindi na kita iibigin
Pagod na rin kasi akong ipilit
Sarili ko sa’yo at itong damdamin
Kung hindi naman kayang magsukli
Ng isang pusong batong nag-aatubili
Na magmahal ng kahit isang saglit

Hindi – hindi na kita mamimiss
Sa mga alaala mong naiwan
Mga salitang pareho nating binitiwan
Mga mumunting oras na ating inilaan
Para tunay nating maintindihan
Ang mga damdaming walang kahulugan

Hindi na ako muling babalik pa
Sa mga gabing pinuyat ng kwento
Mga araw na hinihintay makita ka
Mga nakaw nating sandali
Nakaw sa lipunang mapanghusga
At mga matang nang-aalipusta

Hinding – hindi na ako sa’yo’y aasa pa
Dahil sa’yo ako’y nagpapaalam na

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s