Wrong Time

“We had the right love at the wrong time.”

You probably have heard that line or you’re familiar with the song itself where it was taken. You may have even sung that line as you read it.

Somewhere Down The Road by Barry Manilow, one of the staple songs in a videoke session in the Philippines, is one of the classic love songs for Pinoys. Hinding – hindi mawawala ang kantang yan sa mga inuman lalo na kung may kaibigan kang broken-hearted. Hinding – hindi mawawala yan kasi maraming nakakarelate sa meaning ng kantang yan. At kung hindi sa mga nagvi-videoke, baka sa mga teleserye at romcom movies na pinapanuod mo narinig yan. Ilang remake at versions na ba meron ang kantang yan para maisama lang sa OST ng mga ibat-ibang teleseryes at movies? Classic kasi eh kaya favorite ng masa.

Corny mang aminin pero lahat naman tayo ay nakaka-relate sa kantang iyan. Meron kasi tayong “the one that got away.” Yung taong alam mong siya na yung gusto mong pakasalan pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nawala pa. Yung taong gusto mong makasama habang buhay pero hindi talaga pwede. Yung taong kakakilala mo pa lamang pero parang kilalang – kilala mo na siya agad kasi you complement each other well. You even thought you were made for each other na, you gave each other the highest highs a lover could but you’re both walking at different roads pa in your own lives at hindi pa ito nagtatagpo to connect into a one big highway for the both of you to walk together on hand in hand. Baka naman hindi pa yun yung tamang oras dahil magkaiba kayo ng priorities sa buhay at one point. Siya ay ang family niya, at ikaw namn ay siya. Baka hindi din tama yung panahon kasi pareho kayong in a committed relationships nung nakilala niyo ang isa’t-isa. Mas complicated yun. Mahirap sumira ng dalawang relasyon para bumuo ng isa.

Ako? I have a TOTGA. She came to me at a wrong time, too. Dumating siya sa panahon at pagkakataon na bawal. Bawal na bawal. As in work – related na bawal. But I don’t regret it. Kahit kalian ay hindi ko pagsisisihan na nagka-gusto ako sa kanya, at siya sa akin. We loved one another but it wasn’t right. Still, it was love after all.

Saan ako nagkaroon ng regret? Sa aftermath nung relationship. It was messy. Hindi ako nakapagpaalam ng maayos. There were things still to this day that I regret not saying. She was the one na eh. She could have been the one.

Sabi nga ng kanta: “But somewhere down the road / I know that heart of yours / Will come to see / That you belong with me.” Malay mo, may second chance pa ang love story niyo. Hindi naman masamang maghangad ng isa pang chance lalo na kung mahal niyo pa ang isa’t – isa. Lalo pa kung free pa kayong dalawa sa commitments. Baka nga sa love story niyong dalawa ay “the best is yet to come.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s