Agosto 19

Napakabilis ng daloy ng panahon
Sa sobrang bilis
Hindi na ako makasabay
Unti – unti na akong napag – iiwanan
At ikaw,
Hindi na kita maramdaman

Narito pa rin ako
Kung saan tayo huling nagkita
Iniwang naghihintay
Patuloy na umaasa
Hindi makaalis sa kinatatayuan
Sa pangakong magbabalik ka

Ako’y iyong bilanggo
Nasa mga palad mo itong aking puso
Patuloy mong pinapatibok
Sa bawat pisil at kibot
Tumitibok, kumikirot
Sa iyo, mundo ko’y umiinog

Kailan mo kayang palayain
Itong damdaming sayo’y nahumaling
Maaari bang aking piyansahan
Kalayaang mula sayo’y inaasam – asam
Sana’y iyong pagbigyan
Ang pagsusumamo ng isang kaibigan

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s