Aksidente, Part I

As a biker, hindi maiiwasan ang maaksidente ka sa kalsada habang pumapadyak. Pwedeng kasalanan mo o pwedeng ng nasa paligid mo. I’ve had a few minor accidents when I was still practicing and training in my new mountain bike. Nothing major, just a few bruises here and there especially sa tuhod. Normal naman yun especially if you’re just a beginner. Normal naman yun if you’re still trying to get used to shifting gears, when adjusting the speed kapag uphill or downhill, and practicing mounting and dismounting the bike properly. Mga pasang malayo sa bituka.

Dalawang beses pa lamang ako naaaksidente ng medyo malala. By malala, I mean blood and hospital visit. Ang kwentong ito ay patungkol dun. Title pa lang, di ba, obvious na? Kidding aside, this story I will tell you chronicles my struggle noong nagsisimula pa lamang akong maging biker. Lahat naman ng bike eh na-experience na ito, ise-share ko lang yung akin.

My first accident na medyo seryoso is way back in August. August 19 to be exact. It was a Friday, and we were having our group ride from Lucena City to Lucban. It was also a holiday kaya mas marami kaming mga magkakasama kumpara sa normal na short group rides. Maagap din kami magride para iwas heat stroke. Mga 5:30 in the morning, ride out na. Before I proceed with the stories of my bike accidents, I’d like to provide some context first.

If you’re familiar with the Lucena to Lucban road, from Lucena, uphill siya hanggang sa makatungtong ka sa bayan ng Lucban. It was more or less 27 kilometers one – way and the elevation is 398 meters. The elevation may not look challenging on paper or screen but once you’re there, it really is and this route will test your stamina and endurance. From Lucena to Tayabas, hindi masyadong maganit ang tipa kasi hindi pa naman siya masyadong elevated. Ang kalbaryo mo ay magsisimula pagkalampas na pagkalampas mo sa bayan ng Tayabas. Simula sa bayan ng Tayabas hanggang sa bayan ng Lucban, there are more or less 10 na ahon; some are steep, some are steep still but manageable. Hindi ko maipaliwanag yung ahon basta, mahirap siyang akyatin. Hahaha!

Kung malakas kang biker, kaya mong ahunin ang Tayabas to Lucban in less than an hour. Kung beginner ka pa lang, one hour or more. At dahil medyo mixed group kami ng mga beginner at mga long time rider, medyo natagalan kami. It was actually my first time riding this route also so kailangan ayusin ang pacing para hindi mapagod at mamulikat agad. Kada ahon, pahinga muna or inom o kain para may fuel ang katawan. And this is the practice of our group sa mga ride. We support each other, alalay kumbaga para sama – sama at sabay – sabay makarating sa pupuntahan. Doing this also helps kapag may mga hindi inaasahang mga pangyayari. Halimbawa, may na-flatan ng gulong or nasiraan ng bike, may tutulong at aalalay na mga kasamahan.

Habang inaahon namin ang mga ahon ng Lucban, may mga oras na nakakapagod din at nakakagutom lalo pa nga at unang beses ko pa lang ahunin ang Lucban. Ilang beses din na muntik mamitig ang aking mga binti pero hindi ako nawalan ng pag – asa sa pagpadyak. Siyempre, gusto ko rin namang makarating ng Lucban. One of my favorite places sa Quezon ang Lucban kaya it’s my motivation na rin. Sobrang saya ko nung nakarating na kami sa Kamay ni Hesus kasi yun na yung simula ng patag na daan. Kung may ahon man, hindi naman ganun kataas. Banayad na ang pagpadyak.

Hindi ako naaksidente habang umaahon. Hindi ako naaksidente sa sampung ahon na pinadyak ko. Naaksidente ako sa patag. Naaksidente ako pagkatapos naming lusungin ang Kamay ni Hesus. Papunta na kaming bayan ng Lucban noon. Magkakasunod kami ng mga kasamahan ko. Dahil na rin sa pagod at gutom, hindi ko namalayan na napadikit na sa likurang gulong ng sinusundan ko ang unahang gulong ng bike ko. Hindi ako nakapreno agad noon, kaya ayun, natumba ako at gumulong sa kalsada.

To be continued…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s