Aksidente, Part II

Natulala ako noon. Siyempre, first road accident ko iyon. Hindi ako makapaniwala. Pagkabangon ko, hindi ko alam ang gagawin ko. Shocked eh. Pero ang pinagpapasalamat ko sa aksidenteng iyon eh hindi ako nabalian ng buto or nasiraan ang bike ko. May konting gasgas sa tuhod at siko pero okay ako. Hindi rin nabasag ang salamin ko which is a miracle. Walang masakit sa akin kundi ang mga gasgas ko.

First bike accident, it’s one of those memories na mahirap kalimutan. Mabuti na lamang at hindi ako na-trauma. Mabuti na lang din at hindi nagkaroon ng muscle memory na makaka-hinder sa pagbabike ko. I’m still thankful kasi it could have been worse pero gasgas lang ang nakuha ko. Dito ko rin natutunan kung paano ang maggamot ng sugat. Natutunan ko kung paano linisin ang sugat, lagyan ng Betadine para madisinfect, tapos lagyan ng gasa para iwas dumi at hindi magkaroon ng infection. It thought me well, my first bike accident.

For my second bike accident, ito medyo malala na. Napa-visit kami sa ospital nito. Check – up lang, ganun. This time, naaksidente din ako sa patag. Wala ako sa ride nito. Galing lang ako sa isa naming bahay at pauwi ako sa isa pa naming bahay noong umagang iyon. Ang binabagtas kong daan ay right side of the road. Nasa right lane ako, tapos yung bahay namin ay nasa left side of the road. So, kailangan kong tumawid. Nung malapit na ako sa bahay namin, siyempre tatawid ako to the other side noon, kaya lumipat ako sa inner lane na medyo malapit sa road markings. Nasa medyo gitna na ako ng daan pero nasa right lane pa rin.

Bago ako tumawid, tumingin muna ako sa likod. Wala namang nakasunod sa akin, so safe ako. Kung meron man, medyo malayo pa. Inintay ko lang na lumampas sa akin yung nasa left side na sasakyan kasi wala namang kasunod na pwedeng bumangga sa akin. After un, clear na yung left side of the road. Pagkalampas nung sasakyan, tatawid na ako pakabila. Simple lang like how I always did it. Habang paliko na ako, at sesenyas pa lang ako, may bumangga sa akin, isang motor. Mag-oovertake yung motor kaya ako nabangga. At humaharurot siya.

Just like my first road accident, natumba ulit ako. Hindi ako nakapreno o nakapadyak pa kasi nabangga nung motor yung hulihang gulong ko. Gumewang na agad ako. Gumulong ulit ako sa kalsada after kong matumba pero this time, hindi na ako natulala. Natatawa pa nga ako nung time na yun pagkatayo ko.

Paano ko nasabing mas malala yung aksidente ko this time around? Wala namang baling buto or sira yung bike just like before, pero ngayon, mas marami na yung gasgas na nakuha ko. Hindi lang mas marami, mas malalalim pa. Aside from gasgas sa tuhod at siko, this time, may gasgas din ako sa likod at tagiliran pero mild lang. Ang malalim lang ay sa tuhod at siko. Sobrang hapdi at kumikirot agad kumpara nung unang aksidente. Bingo na talaga yung tuhod ko sa akin. Yun at yun ulit ang nadadale. Hahahaha!

This time din, sumakit yung katawan ko. Siguro dahil yun sa impact nung motor sa bike. Hindi naman kasi ako nasagasaan nung motor or nadaganan kaya gawa siguro iyon nun. Dahil gustong makasiguro ng nanay ko na wala namang damage internally sa akin, nagpadala kami sa ospital. Doon, nilinis yung sugat ko, ininterview ako, at niresetahan ako ng gamot. At dahil hindi naman sumasakit yung ulo ko, hindi na kami nagpa-MRI. Lilinisin ko na lang ulit yung sugat, and this time, may oral medicine na para mas mabilis gumaling.

Si Kuyang nakabangga naman, hindi na namin ipinablotter. Nagpasya na rin kami na hindi na kami magsasampa ng kaso sa kanya. Pagkatapos makausap ng nanay ko, pinaalis na din namin si Kuya pero siyempre, hiningi muna namin yung pangalan, address, at contact number niya. Just in case kumbaga. This happened in March, seven months after my first accident.

Accidents do happen at hindi maiiwasan iyon lalo na sa mga biker na tumatawid sa mga busy highways and intersections. Bikers only share the road with other motorized vehicles kaya minsan kahit ano pa mang pag – iingat mo, kung hindi naman nag – iingat ang mga nasa paligid mo, maaaring may mangyari pa rin na hindi inaasahan. You don’t control all the variables of the road; you only control your own.

Road accidents can be a learning experience to those who survive it. Ano nga ba ang maling ginawa mo kaya ka naaksidente? Ano nga ang mga pagkukulang mo? What could you have done para maiwasan mo na mangyari yun muli? We can learn from our riding mistakes. We should also have presence of mind all the time so that we can react correctly under any circumstances.

Finally, biking is fun and safe when done right. Kaya ang maipapayo ko na lamang bilang isang professional na sa aksidente ay ang laging pag – iingat kahit saang lugar man pumunta. Never overestimate your biking skills. Always practice safe riding. Huwag ding kalimutang magsuot ng helmet. Short ride or long ride man yan, it’s better to be safe than sorry. At ang pinakamahalaga, kapag nasa kalsada, follow the rules of the road. Tumigil sa red light, pumadyak kapag green light na. Kahit classified as pedestrians ang bikers as of now, let’s be a model to our fellow bikers. Wala namang masama kung susunod ka, iwas aksidente ka pa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s